หน้าแรก / News / Urgent Appeals / PILIPINAS: Iba pang detalye ng lamat sa proseso at tortyur na lumabas sa pag aresto sa 43 na manggagawang pangkalusugan

PILIPINAS: Iba pang detalye ng lamat sa proseso at tortyur na lumabas sa pag aresto sa 43 na manggagawang pangkalusugan

February 12, 2010

English

KOMISYON NG KARAPATANG PANTAO SA ASYA - PROGRAMA NG KAGYAT NA APELA

Panibagong Detalye sa Kagyat na Apela: AHRC-UAU-032-2010-TL

12 Pebrero 2010

 [ RE: AHRC-UAU-003-2010: PILIPINAS: Dalawang biktima ng tortyur muling inaresto kasama ang 41 na iba pa sa isang kwestionableng kaso]
---------------------------------------------------------------------
PILIPINAS: Iba pang detalye ng lamat sa proseso at tortyur na lumabas sa pag aresto sa 43 na manggagawang pangkalusugan

ISYU: Biktima ng Tortyur; karapatan sa kalayaan at seguridad, arbitraryong pag aresto at detensyon; tagapagtanggol ng karapatang pantao
--------------------------------------------------------------------

STOP extrajudicial killings in the Philippines
http://www.pinoyhr.net/
------------------------------------------------------

Mahal naming mga Kaibigan,

Ang Komisyon ng Karapatang Pantao sa Asya (AHRC) ay nakatanggap ng karagdagang detalye kung paano ang militar at pulis ay gumamit ng sikolohikal na paraan ng pagtortyur sa 43 manggagawang pangkalusugan na nanatiling nakadetine sa kampo military. Ang 43 na biktima, kung saan dalawa dito ay nakaranas ng tortyur sa nakaraan, ay iligal na inaresto sa isang kwestionableng kaso noong Pebrero 6, 2010. Ang proseso, kung saan ang pulis at militar ay nang aresto, detine at sampa ng kaso laban sa mga biktima, ay may lamat.


KARAGDAGANG IMPORMASYON:

Sa aming nakaraang apela (AHRC-UAU-003-2010), aming kinilala ang 43 biktima na patuloy na arbitraryong nakakulong sa kampo ng militar sa Camp Capinpin, Morong, Rizal. Walang sinuman sa naaresto ay may nakabinbin na warrant of arrest; bagamat ang pulis at militar ay nang aresto at nakadetine sa kampo military kung saan sila ininteroga at tinortyur.

Ang AHRC ay nakakuha ng dagdag na sampung pangalan ng mga manggagawang pangkalusugan. Ito ay sina Lydia Ubera, Reynaldo Makabenta, Delia Ocasla, Jane Balleta, Ailene Monasteryo, Pearl Irene Martinez, Ellen Carandang, Dany Panero, Rayom Among and Emily Marquez. Sila ang ilan sa mga kasali sa palihan kaugnay sa pagsasanay sa kalusugan—Ang First Responders Training –na inorganisa ng Community Medicine Foundation, Inc. (COMMED) at Council for Health and Development (CHD).

Ayon sa ulat na nakalap ng Karapatan, isang lokal na organisasyon ng karapatang pantao, nang ang mga pulis at militar ay dumating para ihain ang search warrant, sapilitan silang pumasok sa lugar kung saan ang mga biktima ay naglulunsad ng palihan. Ang mga militar ay pinilit ang nangangasiwa ng bahay para buksan ang gate at pagkatapos nito ay pumunta ang mga sundalo sa iba't ibang direksiyon. Sinipa din nila ang harapang pintuan ng bahay.

Nang si Dr. Melecia Velmonte at kanyang anak na si Bob ay humihingi ng search warrant, hindi sila pinansin ng military. Si Dr. Velmonte, kilalang doctor sa gobyerno na nagttrabaho sa Philippine General Hospital (PGH) bilang dalubhasa sa nakakahawang karamdaman, ang nagmamay-ari ng lugar na pinagdausan ng palihan.

Sa ilalim ng batas, kapag ang pulis ay naghain ng kautusan ng korte upang magsagawa ng panghahalughog ito ay nasa ilalim ng kanilang obligasyon na ipakita sa taong nagmamay-ari o nakakasakop ng lugar na hahalughugin. Ang layunin nito ay upang tiyakin na ang taong kung kanino nakapatungkol ang warrant ay matiyak na ang pangalan at lokasyon ng lugar na sasailalim sa panghahalughog ay tama.

Sa halip, ang ginawa ng pulis at militar ay pinosasan at inutusan ang lahat ng mga propesyonal at manggagawang pangkalusugan na pumila sa garahe kung saan sila ay sumailalim sa pangangapkap ng katawan. Ang mga sundalo ay nagsimulang tanungin sila, kuhanan ng larawan at irekord ang bidyo habang sila ay tinatanong. Ang mga lalaking biktima ay nakapiring ng lumang damit ng mga sundalo na dala nila at pagkatapos ay nilagyan ng tape. Lahat ng pansariling gamit ng mga biktima ay dinala ng mga militar.

Bukod dito, nang ang militar at pulis ay nagsagawa ng panghahalughog sa lugar ng compound, ang may-ari ay hindi pinahintulutan na siyasatin ang panghahalughog. Sa halip, sila at ang 43 na biktima ay dinala sa labas ng lugar; sa ganitong paraan, mga pulis at sundalo lamang ang iniwan para magsagawa ng panghahalughog ng hindi nasisiyasat ng may ari. Sa ilalim ng batas, kapag isinasagawa ang paghahalughog, kailangang may testigo, kagaya ng kapitan o may ari mismo, para sa layunin na matiyak na ang mga gamit ng panghahalughog ay maayos na naidokumento.

Matapos magsagawa ng panghahalughog, ang pulis at sundalo ay sinasabing nakakita ng C4 na eksplosibo, baril na may pitong bala, tatlong granada (isa ay alegasyong nakita sa ilalim ng unan) at improvised na bomba. Wala sa pulis o military ang may maayos na dokumentasyon sa mga gamit na nakita, o resibo ng imbentaryo ng armas at eksplosibo na sinasabi nilang nakumpiska. Inabot ng ratlong oras ang mga pulis at military ng tatlong oras sa pagsasagawa ng panghahalughog sa Velmonte compound.

Matapos na maposasan ang mga biktima ay saka lamang ipinakita ni Police Superintendent Marion P. Balonglong kay Bob ang search warrant na kanilang dala.

Subalit, ang pangalan na nasa search warrant na sumailalim sa paghahalughog ay hindi nagtataglay ng pangalan ng may-ari at tamang lokasyon ng kanilang pag-aari. Ito ay nasa ilalim ng pangalang Mario Condes ng Barangay Maybangcal, Morong, Rizal, na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms.Ang search warrant ay may petsa na Pebrero 5, 2010 ay inilabas ni Judge Cesar A. Mangrobang ng Branch 22 ng Imus, Cavite Regional Trial Court, at hindi nagsasaad ng eksaktong address ng compound ng Velmonte.

Subalit ng iginiit ni Bob na ang pangalan at lokasyon ng search warrant na dala ng mga pulis ay hindi naglalaman ng kanilang pangalan, na makakapagtuwid sa isinagawang paghahalughog, ang pulis at militar ay hindi pinansin ang kanyang paliwanag. Ang pangalang Mario Condes, na siyang pakay ng warrant, ay hindi nagmamay-ari o kilala ng may ari.

Ang militar at pulis na nang aresto ay pinangunahan ni Colonel Aurelio Baladad, commander ng 202nd Infantry Brigade of the Philippine Army; at Police Superintendent Marion Balonglong of PNP Rizal.

Lahat ng biktima sy dinala sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal, isang kampo militar at headquarters ng 202nd Infantry Brigade of the Philippine Army (PA). Sila ay pinilit na isinakay sa convoy ng sasakyan ng militar na binubuo ng apat na 6 x 6 truck ng militar, dalawang military Armored Personnel Carrier (APC), kotse at ambulansya. Ilan sa mga sasakyan ay walang plaka habang ang ibang plaka ay may takip o may bahid ng putik.

Lahat ng biktima ay nasampahan na ng kasong Illegal Possession of Explosives sa opisina ng lokal na taga-usig. Bagamat, ang paraan ng inquest proceeding na isinagawa ay kwestiyonable. Ang taga-usig ang nagpunta sa kampo militar sa halip na ang pulis at militar ang magpunta sa tanggapan ng taga-usig upang magsagawa ng inquest.

Sa ilalim ng seksyon 2 ng Department of Justice's (DOJ) Department Circular No. 61, ang pampublikong taga-usig ay maari lamang maglunsad ng inquests sa istaasyon ng pulis hindi sa kampo militar.

"..sa mga nakatalagang mag-inquest ay dapat na  maglunsad ng kanilang tungkulin sa panahon ng kanilang mga itinakdang gawain at tanging sa istasyon ng pulis/headquarters ng pulis na lutasin at pagaanin ang pagsasaayos ng kaso ng inquest"

Ang kampo militar kung saan ang mga biktima ay nakakulong ay hindi regular na lugar para sa detensyon. Ang biktima ay dapat na ilipat at ikulong sa regular na istasyon ng pulis, hindi lamang sa kampo militar. Dakong2 ng hapon ngayon, Pebrero 12, ang Korte ng Apela (CA) ay didinggin ang petisyon ng writ of habeas corpus na isinampa ng pamilya ng mga biktima.
 
TESTIMONYA NG MGA BIKTIMA AT DETALYE NG TORTYUR:

Dr. Alex Montes, 62 taong gulang
Ang ulat na ito ay binanggit kung paano siya kinuryente at paulit-ulit na sinuntok sa tiyan habang tinatanong. Ang militar ay inaakusahan siya bilang miyembro ng New People's Army (NPA) at rebeldeng pinaghihinalaang espesyal na unit para pumatay. Naiulat na ang tindi ng sakit na kanyang dinanas ay tumagal ng ilang oras na nakapagdulot ng pag-amin niya ng anuman.

Dr. Merry Mia Clamor, 33 taong gulang
Siya ay piniringan at pinosasan habang sumasailalim sa interogasyon sa isang kwarto na hindi niya matukoy. Sa ulat na ito, sabi ni Clamor sa kanyang karanasan: "Ako ay nagulat. Wala akong masabing kahit na ano" Nang tanungin sa akin kung ginamot ko si Gregorio Rosal aka Ka Roger, ang tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines (CPP).

"Ginagawa ko ito (palihan sa mga manggagawang pangkalusugan) sa aking dalisay na intensyon para magsanay ng mga boluntir at bigyan sila ng kasanayan para sila mismo ay makatulong sa iba sa komunidad". Si Clamor ay inihanay ng militar bilang "national level”. "Nakakahiya ito.. Pinili kong manatili sa Pilipinas sa halip na magtungo sa ibang bansa, Pinili kong manatili ang aking kaalaman ito at

Ang kanyang asawa ay si Roneo Clamor, pangalawang kalihim ng Karapatan. 

Si Glenda Murillo ay kasalukuyang nagdadalantao.
Inilahad ni Murillo ang kanyang karanasan kay Leila De Lima, chairperson ng Philippine Commission on Human Rights (CHR), kinapanayam habang personal na binisita ang mga biktima sa kampo: ""Wala naman po silang nakuha at nakita po talaga sa amin. Inaano lang nila na mga NPA daw po kami, pero hindi naman po
 
Pahayag ni De Lima sa mga naranasan niyang torture:
Sa kanyang personal na pagdalaw sa kampo kung saan nandoon ang mga biktima, Tinukoy ni Commissioner De Lima kung paano ang mga biktima ay sikolohikal na tinortyur.
 
Sa ulat na ito ni De Lima sabi niya: Isang bagay ang sigurado, hindi daw sila pinapatulog, tuloy-tuloy ang interogasyon. Isa sa kanila ay patuloy ang pagkakaposas at piring sa loob ng 36 na oras. At kapag pupunta sa banyo, hindi sila pwede humawak sa sarili nila, ibig sabihin iba ang sumusubo sa pagkain sa kanila.
 
Kanya ring natuklasan na ang mga biktima ay hindi pinagkalooban ng karapatan sa abugado kahit paulit-ulit ang paghingi nila ng abugado habang interogasyon.
Sa ilalim ng Anti-Torture Act ng 2009 o Republic Act 9745, ang pagpiring ay isang porma ng mental at sikolohikal na tortyur. Pinangunahan ni De Lima ang grupo ng CHR na nag-interbyu sa mga biktima sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal noong Pebrero 8.
 
MUNGKAHAING HAKBANG:
Mungkahi na gamitin ang halimbawang liham na aming inilabas sa aming nakaraang apela (AHRC-UAU-003-2010) kaugnay nito. Maari ninyong ipadala ang inyong sulat sa pamamagitan ng fax o koreo. Maari ninyong pindutin ang button o ipasa ang link sa iba upang tumugon sa apela. Sa pamamagitan ng pagpindot ng apela, ang liham apela ay direktang ipapadala sa nais patungkulan ng apela.

Sa pagsulat ng liham apela, kasama ang pangalan ng sampu na iba pang biktima, na binanggit sa katawan ng apela, na listahan ng biktima. Ang AHRC ay papaabutan kayo kung ano ang inunlad ng kaso.

 
Salamat.

Programa ng Kagyat na Apela
Komisyon ng Karapatang Pantao sa Asya (ua@ahrc.asia)

Document Type :
Urgent Appeal Update
Document ID :
AHRC-UAU-032-2010-TL
Countries :
Share |
Subscribe to our Mailing List
Follow AHRC
Extended Introduction: Urgent Appeals, theory and practice

A need for dialogue

Many people across Asia are frustrated by the widespread lack of respect for human rights in their countries.  Some may be unhappy about the limitations on the freedom of expression or restrictions on privacy, while some are affected by police brutality and military killings.  Many others are frustrated with the absence of rights on labour issues, the environment, gender and the like. 

Yet the expression of this frustration tends to stay firmly in the private sphere.  People complain among friends and family and within their social circles, but often on a low profile basis. This kind of public discourse is not usually an effective measure of the situation in a country because it is so hard to monitor. 

Though the media may cover the issues in a broad manner they rarely broadcast the private fears and anxieties of the average person.  And along with censorship – a common blight in Asia – there is also often a conscious attempt in the media to reflect a positive or at least sober mood at home, where expressions of domestic malcontent are discouraged as unfashionably unpatriotic. Talking about issues like torture is rarely encouraged in the public realm.

There may also be unwritten, possibly unconscious social taboos that stop the public reflection of private grievances.  Where authoritarian control is tight, sophisticated strategies are put into play by equally sophisticated media practices to keep complaints out of the public space, sometimes very subtly.  In other places an inner consensus is influenced by the privileged section of a society, which can control social expression of those less fortunate.  Moral and ethical qualms can also be an obstacle.

In this way, causes for complaint go unaddressed, un-discussed and unresolved and oppression in its many forms, self perpetuates.  For any action to arise out of private frustration, people need ways to get these issues into the public sphere.

Changing society

In the past bridging this gap was a formidable task; it relied on channels of public expression that required money and were therefore controlled by investors.  Printing presses were expensive, which blocked the gate to expression to anyone without money.  Except in times of revolution the media in Asia has tended to serve the well-off and sideline or misrepresent the poor.

Still, thanks to the IT revolution it is now possible to communicate with large audiences at little cost.  In this situation there is a real avenue for taking issues from private to public, regardless of the class or caste of the individual.

Practical action

The AHRC Urgent Appeals system was created to give a voice to those affected by human rights violations, and by doing so, to create a network of support and open avenues for action.  If X’s freedom of expression is denied, if Y is tortured by someone in power or if Z finds his or her labour rights abused, the incident can be swiftly and effectively broadcast and dealt with. The resulting solidarity can lead to action, resolution and change. And as more people understand their rights and follow suit, as the human rights consciousness grows, change happens faster. The Internet has become one of the human rights community’s most powerful tools.   

At the core of the Urgent Appeals Program is the recording of human rights violations at a grass roots level with objectivity, sympathy and competence. Our information is firstly gathered on the ground, close to the victim of the violation, and is then broadcast by a team of advocates, who can apply decades of experience in the field and a working knowledge of the international human rights arena. The flow of information – due to domestic restrictions – often goes from the source and out to the international community via our program, which then builds a pressure for action that steadily makes its way back to the source through his or her own government.   However these cases in bulk create a narrative – and this is most important aspect of our program. As noted by Sri Lankan human rights lawyer and director of the Asian Human Rights Commission, Basil Fernando:

"The urgent appeal introduces narrative as the driving force for social change. This idea was well expressed in the film Amistad, regarding the issue of slavery. The old man in the film, former president and lawyer, states that to resolve this historical problem it is very essential to know the narrative of the people. It was on this basis that a court case is conducted later. The AHRC establishes the narrative of human rights violations through the urgent appeals. If the narrative is right, the organisation will be doing all right."

Patterns start to emerge as violations are documented across the continent, allowing us to take a more authoritative, systemic response, and to pinpoint the systems within each country that are breaking down. This way we are able to discover and explain why and how violations take place, and how they can most effectively be addressed. On this path, larger audiences have opened up to us and become involved: international NGOs and think tanks, national human rights commissions and United Nations bodies.  The program and its coordinators have become a well-used tool for the international media and for human rights education programs. All this helps pave the way for radical reforms to improve, protect and to promote human rights in the region.