Home / News / Urgent Appeals / PILIPINAS: Manggagawang sinampahan ng huwad na kaso at pansamantalang nakalaya muling nahaharap sa petisyong ibalik sa bilangguan

PILIPINAS: Manggagawang sinampahan ng huwad na kaso at pansamantalang nakalaya muling nahaharap sa petisyong ibalik sa bilangguan

January 25, 2010

English

KOMISYON NG KARAPATANG PANTAO SA ASYA - PROGRAMA UKOL SA KAGYAT NA APELA
 
Panibagong Detalye ukol sa Kagyat sa Apela: AHRC-UAU--001-2010- TL

25 Enero 2010

[RE: AHRC-UAU-027-2009: Isa pang Detenido namatay sa bilangguan; 18 iba pa nanganganib sa kakulangan ng atensyong medikal
---------------------------------------------------------------------
PILIPINAS: Manggagawang sinampahan ng huwad na kaso at pansamantalang nakalaya muling nahaharap sa petisyong ibalik sa bilangguan

ISYU: Karapatan sa Kalusugan; Di makataong pagtrato; kalayaan sa pagbuo ng samahan; karapatan maging malaya at ligtas
---------------------------------------------------------------------

Stop Extrajudicial Killings in the Philippines
http://www.pinoyhr.net/

Minamahal naming mga Kaibigan,

Ikinalulugod ng Komisyon ng Karapatang Pantao sa Asya (AHRC) na ipaalam sa inyo na 14 sa 20 manggagawang ikinulong matapos sinampahan ng huwad na kaso ay pansamantalang nakalaya sa pamamagitan ng paghain ng pyansa. Sila ay pinalaya matapos inaprubahan ng korte ang kanila petisyon na makalagak ng piyansa; subalit matapos silang makalabas sa kulungan, ang kanilang amo na nag-hain ng rekalmo sa kanila ay nagsampa ng petisyon sa korte na humihiling na baligtarin ang desisyon nito. Humihiling din sila sa pagpataw ng mas mataas na piyansa na imposebling maibigay ng mga manggagawa.


KARAGDAGANG IMPORMASYON:

Sa nakaraan nating apela UAC-102-2009 at UAU-027-2009, binanggit natin ang tungkol sa patuloy na paghabla at pagkakapiit ng 20 manggagawang nakawelga sa kabila kwestiyonableng kaso, dalawa sa mga nakakulong na bilanggo ay namatay sa piitan dahil sa sakit na tuberkolosis o TB.

Noong ika-20 ng Nobyembre 2009, dininig ang kaso ng mga bilanggo, ng hukom na si Ma. Teresa Cruz San Gabriel ng Regional Trial Court (RTC) Branch 80, sa Morong, Rizal, pinahintulutan ang mga bilanggo na maglagak ng piyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Inirekomenda ni Judge San Gabriel ang P60, 000 (USD 1,292) na piyansa para sa bawat isang bilanggo.

Ang Pamilya ng mga bilanggo at ang organisasyong tumutulong sa kanila na Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR), ay tumutulong na mangalap ng nasabing halaga.

Ngunit, sa 18 bilanggo, tanging para sa 14 na bilanggo lamang ang mayroong tiyak na pampiyansa. Sa halip na magbayad ng P 60,000 para sa bawat isa sa kanila, ang mga pamilya ng mga bilanggo at CTUHR ay nagbayad ng surety bond sa anyo ng insurance premium, na nangangailangan ng 15 porsyento ng P 60,000 na halaga ng piyansa.

Sa ganitong paraan, ang 14 na bilanggo ay nakalaya matapos makapagbayad ng kabuuang halaga na P 126, 000 (USD2, 713). Ang apat na iba pa ay sina Claro Claridad, 28; Andy Salarson, 29; Joseph Atienza, 34 at  Pulido Baguno, 30, sila ay naiwan sa bilangguan habang ang kanilang pamilya ay nangangailangang mangalap ng kabuuang halaga na P 36, 000 (USD 775) para sa kanilang piyansa. Si Andy, isa sa 4, ay hinihinalang nakakaramdam ng tuberkolosis na dahilan ng pagkamatay ng kanyang dalawang kasamahan.

Ang mga nakalaya sa magkakahiwalay na pagkakataon noong ika-18, 19, at 28 ng Disyembre, 2009 ay sina Jessie Bergona, 22; Rodolfo Mendoza, 30; Melanio Delovino, 29; Renato Lopez, 33; Crisanto Sabaten, 18; Emuel Vergara, 25; Richard Sabuco, 27; Joseph Atienza, 34; Julius Alcantara, 36; Bobby Maglay, 30; Robert Camagay, 23; Leo Sabaten, 20; Sonny Batuyang, 39 and Romeo Amit, 36.

Dalawa sa mga nakalaya na bilanggo, si Sonny at Richard, ang nagsalaysay sa isang video dokumentaryong "Pasko ng Paglaya (Christmas of Our Freedom) hinggil sa kung gaano kahirap sa loob ng isang masikip na bilangguan at lantad sa mga bilanggong may malubha at nakakahawang karamdaman. Dalawa sa kanilang mga kasama na sina Melvic Lupe at Leo Paro ay namatay sa loob ng piitan dahil sa malalang tuberkolosis. 

Subalit, noong ika-28 ng Disyembre, 2009, ang mga nagreklamo laban sa mga manggagawa ay tumutol sa desisyon ng korte na pahintulutan silang makapagpiyansa para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Noong ika-11 ng Enero 2010, dininig ng korte ang Motion for Reconsideration (MR), na humihiling na baguhin ng husgado ang desisyon nito. Sa petisyon ng nagrereklamo ay hinihiling nilang hindi dapat pahintulutan ang mga bilanggo na makapagpiyansa dahil ang katangian ng kaso na nakahain ay mabigat. Ang mga bilanggo ay kinasuhan ng serious illegal detention. Sinabi din nilang kung papahintulutan ng korte na makapagpiyansa, ito ay dapat itaas mula P 60, 000 sa P 200, 000 (USD 4,307) sa bawat isang bilanggo.

Ang RTC ay nagbigay sa abugado ng mga manggagawa na si Atty. Remigio Saladero ng sampung araw mula ika-11 ng Enero para sagutin ang reklamo ng petisyon at itakda ang pagdinig sa ika-8 ng Marso, 2010.

DAGDAG NA KOMENTO:

Sa Pilipinas, sa ilalim ng Katipunan ng mga Karapatan ng 1987 sa Konstitusyon ng Pilipinas, Artikulo 3, seksyon 13 ay malinaw na nakasaad na "hindi dapat bawalan ang karapatan sa pyansa " at "hindi dapat kailanganin ang malabis na pyansa". 'Sa mga kaso na matibay ang ebidensya ng pagkakasala' at maaring takasan ng akusado ang habla, ang karapatan sa piyansa ay maaring tanggihan ng korte.

Sa kasong ito, walang anumang kondisyon ang umiiral. Alinman sa mga ebidensya laban sa mga bilanggo na matibay o ang kanilang kakayanan para takasan ang habla. Maging ang itaas ang halaga ng piyansa sa P 200, 000 ay labis para sa kanila. Ang mga akusado ay karaniwang mga pabrikang mangagawa, wala silang mga ari-arian at sa katunayan ang dahilan kung bakit sila hinahabla ay dahil sa paghingi nilang mabayaran ng minimum na sahod at iba pang makatarungang benepisyo na nararapat sa kanila. Ang mga manggagawa ay binabayaran ng kalahati ng P 320 (USD 6.6) minimum na sahod kada araw na nag-udyok sa kanila na mag-welga.

May mga tanong din sa pagkakatanggap ng ebidensya laban sa mga manggagawa. Isa sa mga ebidensya na ginamit ay ang larawan na ipagpalagay ay nagpapakita na kinandado ang gate ng establisemento. Ngunit, walang tao sa larawan na kahawig ng sinumang manggagawa. Gayundin, habang ang mga manggagawa ay nagdadaos ng kanilang welga sa labas ng establisemento sinumang tao na pumapasok o lumalabas sa establisemento ay hindi kailanman pinigilan, kasama ang kanilang amo at iba pang manggagawa.


MUNGKAHING HAKBANG:
Sulatan ang mga kinauukulan opisyal sa ibaba, particular ang hukom ng korte na lumilitis sa kaos, para tawagin ang kanilang pansin para sa Konstitusyunal na karapatan ng mga manggawa na makapag piyansa.

Sumulat din ang AHRC sa Special Rapporteurs on the question of torture, human rights defenders and the independence of judges and lawyers.

Upang suportahan ang apelang ito, pindotin lamang ito:


SAMPLE LETTER:

Dear __________,

PILIPINAS: Manggagawang sinampahan ng huwad na kaso at pansamantalang nakalaya muling nahaharap sa petisyong ibalik sa bilangguan

Pangalan ng mga manggagawang pansamantalang nakalaya:
1. Sonny M. Batuyang, 39, married, of Banaba Extension San Mateo, Rizal
2. Romeo M. Amit, 36, married, of Barangay San Isidro Taytay, Rizal
3. Jessie A. Bergona, 22, ofBanaba Extention, San Mateo Rizal
4. Rodolfo D. Mendoza, 30, of Village St., Cainta, Rizal
5. Melanio A. Delovino, 29, of Villa Tupaz, San Juaquin, Pasig City
6. Renato B. Lopez, 33, of J. Pasig, Cainta, Rizal
7. Crisanto D. Sabaten, 18, of Banaba Extention, San Mateo, Rizal
8. Emuel Vergara, 25, laborer, of Fairview, Quezon City
9. Richard P. Sabuco, 27, of Abnay St., Sitro Lupang Arenda, Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal
10. Julius S. Alcantara, 36, of Barangay San Isidro, Taytay, Rizal
11. Bobby A. Maglay, 30, of Tomana Concepcion, Marikina City
12. Jason T. Alvarez, 22, of Loveros, Antipolo City
13. Robert B. Camagay, 23, Barangay San Isidro, Taytay, Rizal
14. Leo D. Sabaten, 20, of Banaba, San Mateo, Rizal
Pangalan ng mga manggagawa na nanatiling nasa bilangguan:
1. Claro M. Claridad, 28, married, of Nangka Marikina City
2. Andy S. Salarson, 29, single, of Concepcion, Marikina City
3. Joseph M. Atienza, 34, of Marikina Heights, Marikina City
4. Pulido I. Baguno, 30, of Kabisig Floodway, Cainta, Rizal
Lahat sila ay kasalukuyang nakabilanggo sa Police Station, Cainta, Rizal
Pangalan ng kumpanya:
Karnation Industries and Export, Inc., kompanyang may kaugnayan sa paggawa at pag eksport ng mga produkto kagaya ng mga gawang kamay at pagbebenta sa malakihang bulto at tingi.
Pangalan ng nagrereklamo:
Willy Sia, Ma. Teresa Costales; Milo Guido and Elly Carsula, of the Pansy Accessories Corporation.
Estado ng Kaso: Ang sinampang kaso laban sa mga manggagawa para sa Serious Illegal Detention ay nanatiling nakabinbin sa Regional Trial Court (RTC), Branch 80,Morong,  Rizal. Noong Nobyembre 2009, pinagbigyan ng korte ang mga manggagawa sa kanilang petisyon na makapagpiyansa. Sa kabilang banda, ang mga nagrereklamo ay kinikwestyon ang desisyon ng korte para magkaloob ng piyansa.

Sumulat ako kaugnay sa kaso ng 18 manggagawa, na ang mga pangalan ay binanggit sa itaas, na mga dating empleyado ng Karnation Industries and Export Inc. Ang mga manggagawa ay kinasuhan ng serious illegal detention mula pa noong May 2007 matapos nilang maglunsad ng welga sa labas ng nasasakupan ng kanilang kumpanya upang humingi sa kanilang amo ng minimum na sahod at at iba pang matwid na benepisyo para sa kanila.

Ang kasong nakahain sa mga manggagawa ay walang maayos na pag-usad hanggang sa noong Hulyo 2009 ay nagkaroon ng maayos na ligal na kinatawan para sa kanila. Sa una ay 20 sa kanila ang kinasuhan; subalit, 2 sa kanilang kasama ay namatay na matapos magkaroon ng tuberkolosis sa bilangguan sa Cainta, Rizal. Ang kanilang pagkamatay ay
dahil sa malalang kalagayan sa bilangguan, kakulangan sa pagkain at bitamina at kakulangan sapat na atensyong medikal na dapat ay inilalaan sa mga bilanggo.

Habang lubos kong pinapahalagahan ang pagpapahintulot ng Regional Trial Court (RTC) sa mga manggagawa na makapagpiyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan noong Nobyembre 2009, Ako ay lubhang nababahala sa nakabinbing apela ng mga nagrereklamo na humihiling na baliktarin ang desisyon ng korte o taasan ang halaga ng piyansa mula P 60, 000 to P 200,000 para sa bawat isang akusadong manggagawa.

Batid ko rin na ang mga alegasyon ng nagrereklamo ay nagbabanta na irereklamo ang hukom ng korte dahil sa papapahintulot sa mga manggagawa na magpiyansa. Anumang ligal na bantang aksyon laban sa hukom ng korte na may kilaman sa paggampan ng kanilang mga matwid na tungkulin at obligasyon ay hindi katanggap-tanggap. Hindi lamang ang banta laban sa hukom na dumidinig sa kaso upang magdesisyon at hindi pumabor, kundi ito din ay magiging hadlang sa interes ng hustisya.

Sa kasong ito, ang aking opinion na ang Kontitusyonal na karapatan ng 18 manggagawa na magpyansa ay maprotektahan at madepensahan. Artikulo 3, seksyon 13 ng Katipunan ng mga Karapatan ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ay malinaw na nagsasaad na "hindi dapat bawalan ang karapatan sa pyansa " at "hindi dapat kailanganin ang malabis na pyansa". 'Sa mga kaso na matibay ang ebidensya ng pagkakasala' at maaring takasan ng akusado ang habla, ang karapatan sa piyansa ay maaring tanggihan ng korte. -- ang mga elemento ay hindi umiiral sa kasong nabanggit.

Una, meron mga tanong na hindi katanggap-tanggap na ebidensya laban sa mga manggagawa na sinampahan ng huwad na kaso na may serious illegal detention. Isang ebidensya na ginamit ng mga nagrereklamo ay ang larawan na nagpapakitang kinakandado ng mga akusado ang gate ng establisimento. Subalit, walang sinumang nasa larawan ang nahahawig sa mga manggagawa.

Sa panahong nangyari ang insidente, walang sinuman ang hinadlangan ng mga manggagawa  na makapasok at makalabas ng establisemento, kaso ang kanilang amo, sa ganitong paraan ang alegasyon na kinandado o ikinulong ang mga tao ay lubhang kwestyonable.

Gayundin, sa ilalim ng Philippine Labor Code, anumang kaso na may kaugnayan sa usapin o away sa paggawa ang   na may totoong saklaw sa kaso. Ang Kawanihan ng Paggawa (DoLE) ang may totoong saklaw sa kaso. Bubuuin nila ang bahagi ng arbitration proceedings sa pamamagitan ng quasi-judicial body ng DOLE.

Kaya, ang kaso ay hindi litisin sa mga karaniwang korte dahil sa kakulangan ng saklaw.
Samakatuwid, nararapat na mamagitan kayo upang matiyak na ang mga konstitusyunal na karapatan ng mga manggagawa na makapagpyansa ay maprotektahan at madepensahan. Gayundin, ang kaso na nakahain sa 18 manggagawa ay kailangang mapagpasyahan ng walang anumang pagkaantala bilang pagtupad sa Speedy Trial Act of 1998.

Hinihiling ko din na malaanan ng sapat na atensyong medikal ang isa sa apat na natitirang bilanggo, si Andy S. Salarson, na nanatiling nakabilanggo. Si Salarson, ayon sa kanyang pamilya, ay hinihinilang dumaranas ng tuberkolosis, ang sakit na pumatay sa dalawa niyang kasamahan. Kaparehonh lunas at atensyong medikal ang dapat ilaan sa iba
pang natitirang bilanggo para mapigilan ang hindi kinakailangang pagkamatay dahil sa sakit.

Lubos na gumagalang,

------------
MAARING IPADALA ANG INYONG LIHAM SA:

1. Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo
President
Republic of the Philippines
Malacanang Palace
JP Laurel Street, San Miguel
Manila 1005
PHILIPPINES
Fax: +63 2 736 1010
Tel: +63 2 735 6201 / 564 1451 to 80

2. Ms. Leila De Lima
Commissioner
Commission on Human Rights
SAAC Bldg., Commonwealth Avenue
U.P. Complex, Diliman
Quezon City
PHILIPPINES
Fax: +63 2 929 0102
Tel: +63 2 928 5655 / 926 6188
E-mail: mtm_rodulfo@yahoo.com

3. Deputy Director General Jesus A. Verzosa
Chief, Philippine National Police (PNP)
Camp General Rafael Crame
Quezon City
PHILIPPINES
Fax: +63 2724 8763
Tel: +63 2 726 4361/4366/8763
E-mail: ruth_cossid@yahoo.com

4. Ms. Agnes Devanadera
Secretary
Department of Justice (DoJ)
DOJ Bldg., Padre Faura
1004 Manila
PHILIPPINES
Telefax: +63 2 521 1614
E-mail: raulgonzalez_doj@yahoo.com; soj@doj.gov.ph

5.  Mr. Marianito Roque
Secretary
Department of Labor and Employment (Dole)
7/F DOLE Building, Intramuros
Manila NCR 1002
PHILIPPINES
Fax: +63 2 527 3494
Tel: +63 2 527 2131
E-mail: sec_art_brion@yahoo.com.ph; osec@dole.gov.ph

6. Ms. Ma. Teresa Cruz San Gabriel
Presiding Judge
Branch 80, Regional Trial Court
Morong, Rizal
PHILIPPINES
Tel: +63 2 691 5535


Thank you.

Urgent Appeals Programme
Asian Human Rights Commission (ua@ahrc.asia)

Document Type :
Urgent Appeal Update
Document ID :
AHRC-UAU-001-2010-TL
Countries :
Share |
Subscribe to our Mailing List
Follow AHRC
Extended Introduction: Urgent Appeals, theory and practice

A need for dialogue

Many people across Asia are frustrated by the widespread lack of respect for human rights in their countries.  Some may be unhappy about the limitations on the freedom of expression or restrictions on privacy, while some are affected by police brutality and military killings.  Many others are frustrated with the absence of rights on labour issues, the environment, gender and the like. 

Yet the expression of this frustration tends to stay firmly in the private sphere.  People complain among friends and family and within their social circles, but often on a low profile basis. This kind of public discourse is not usually an effective measure of the situation in a country because it is so hard to monitor. 

Though the media may cover the issues in a broad manner they rarely broadcast the private fears and anxieties of the average person.  And along with censorship – a common blight in Asia – there is also often a conscious attempt in the media to reflect a positive or at least sober mood at home, where expressions of domestic malcontent are discouraged as unfashionably unpatriotic. Talking about issues like torture is rarely encouraged in the public realm.

There may also be unwritten, possibly unconscious social taboos that stop the public reflection of private grievances.  Where authoritarian control is tight, sophisticated strategies are put into play by equally sophisticated media practices to keep complaints out of the public space, sometimes very subtly.  In other places an inner consensus is influenced by the privileged section of a society, which can control social expression of those less fortunate.  Moral and ethical qualms can also be an obstacle.

In this way, causes for complaint go unaddressed, un-discussed and unresolved and oppression in its many forms, self perpetuates.  For any action to arise out of private frustration, people need ways to get these issues into the public sphere.

Changing society

In the past bridging this gap was a formidable task; it relied on channels of public expression that required money and were therefore controlled by investors.  Printing presses were expensive, which blocked the gate to expression to anyone without money.  Except in times of revolution the media in Asia has tended to serve the well-off and sideline or misrepresent the poor.

Still, thanks to the IT revolution it is now possible to communicate with large audiences at little cost.  In this situation there is a real avenue for taking issues from private to public, regardless of the class or caste of the individual.

Practical action

The AHRC Urgent Appeals system was created to give a voice to those affected by human rights violations, and by doing so, to create a network of support and open avenues for action.  If X’s freedom of expression is denied, if Y is tortured by someone in power or if Z finds his or her labour rights abused, the incident can be swiftly and effectively broadcast and dealt with. The resulting solidarity can lead to action, resolution and change. And as more people understand their rights and follow suit, as the human rights consciousness grows, change happens faster. The Internet has become one of the human rights community’s most powerful tools.   

At the core of the Urgent Appeals Program is the recording of human rights violations at a grass roots level with objectivity, sympathy and competence. Our information is firstly gathered on the ground, close to the victim of the violation, and is then broadcast by a team of advocates, who can apply decades of experience in the field and a working knowledge of the international human rights arena. The flow of information – due to domestic restrictions – often goes from the source and out to the international community via our program, which then builds a pressure for action that steadily makes its way back to the source through his or her own government.   However these cases in bulk create a narrative – and this is most important aspect of our program. As noted by Sri Lankan human rights lawyer and director of the Asian Human Rights Commission, Basil Fernando:

"The urgent appeal introduces narrative as the driving force for social change. This idea was well expressed in the film Amistad, regarding the issue of slavery. The old man in the film, former president and lawyer, states that to resolve this historical problem it is very essential to know the narrative of the people. It was on this basis that a court case is conducted later. The AHRC establishes the narrative of human rights violations through the urgent appeals. If the narrative is right, the organisation will be doing all right."

Patterns start to emerge as violations are documented across the continent, allowing us to take a more authoritative, systemic response, and to pinpoint the systems within each country that are breaking down. This way we are able to discover and explain why and how violations take place, and how they can most effectively be addressed. On this path, larger audiences have opened up to us and become involved: international NGOs and think tanks, national human rights commissions and United Nations bodies.  The program and its coordinators have become a well-used tool for the international media and for human rights education programs. All this helps pave the way for radical reforms to improve, protect and to promote human rights in the region.