หน้าแรก / News / Urgent Appeals / PILIPINAS: Tortyur at pagsasampa ng kwestionableng kaso laban sa tatlong organisador magsasaka

PILIPINAS: Tortyur at pagsasampa ng kwestionableng kaso laban sa tatlong organisador magsasaka

February 1, 2010

English

KOMISYON NG KARAPATANG PANTAO SA ASYA - PROGRAMA NG KAGYAT NA APELA

Kaso ng Kagyat na Apela: AHRC-UAC-005-2010-TL

1 Pebrero 2010
------------------------------------------------------
PILIPINAS: Tortyur at pagsasampa ng kwestionableng kaso laban sa tatlong organisador magsasaka

ISYU: Biktima ng tortyur; tortyur; karapatan sa kalayaan at seguridad; arbitraryong pag-aresto at detensyon; tagapagtanggol ng karapatang pantao
------------------------------------------------------

STOP extrajudicial killings in the Philippines
http://www.pinoyhr.net/
------------------------------------------------------

Mahal naming mga Kaibigan,

Ang Komisyon ng Karapatang Pantao sa Asya (AHRC) ay sumulat para ipaalam sa inyo na ang tatlong organisador magsasaka na ilegal na inaresto, tinortyur, at hinainan ng mga kwestionableng kaso noong Nobyembre 23, 2009 ay patuloy pa ring nakakulong hanggang ngayon. Sila ay nanatili sa loob ng 17 araw sa kampo militar sa kadahilanang mga panganib sa seguridad kung saan sila tinortyur bago inilipat sa tamang bilangguan. 

DETALYE NG KASO: (Ayon sa impormasyon na natanggap mula sa Alyansa ng Pagsusulong ng Karapatan (KARAPATAN-Batangas))

Noong Nobyembre 23, 2009 dakong 8 ng umaga, ang tatlong organisador na sina Diño, 29; Billy Batrina, 29; and Sonny Rogelio, 26; ay nasa bayan ng Talisay, Batangas upang imbitahin ang mga tao na makibahagi sa Linggo ng Maralitang Tagalunsod ng panahon na iyon. Ang tatlo ay miyembro ng Samahan ng Magbubukid ng Batangas (SAMBAT), isang lokal na grupo ng magsasaka.

Habang sila ay naglalakad, ang tatlong van na may sakay na armadong tao na nakasuot ng plain clothes ang bigla na lang humarang sa kanilang daan. Ang mga armadong kalalakihan ay bumababa at pinilit ang tatlo na sumakay sa van. Isa sa mga van ay paikot-ikot na sa komunidad isang araw bago ang insidente. Ang tatlong biktima ay napag-alaman na dinala sa 730th Combat Group of the Philippine Air Force Camp sa Palico, Batangas matapos nito.
 
Sa kampo militar, sila ay tinortyur, sumailalim sa interogasyon at nanatili dito sa loob ng 17 na araw. Sila ay nakapiring gamit ang adhesive tape at nakaposas. Dalawa sa mga biktima, si Batrina at Rogelio ay inuntog ang ulo sa pader habang si Charity ay nilagyan ng bala sa pagitan ng kanyang mga daliri at mahigpit na pinisil ito. Ilang militar ay halinhinan silang ininteroga. Habang sumasailalim sa tortyur sila ay pinipilit na paaminin na miyembro sila ng rebeldeng grupo na New People's Army (NPA). Ilang pangalan ang binanggit upang alamin kung kilala nila ito.
 
Matapos ang insidente, Nobyembre 24, ang tatlo ay dinala sa Tanggapan ng Taga-usig (Office of the Prosecutor) sa Batangas kung saan sila ay sumailalim sa inquest proceedings. Nobyembre 26, ang kasong illegal possession of firearms and explosives ay isinampa laban sa tatlo sa Regional Trial Court (RTC), Branch 6 sa Tanauan, Batangas; at ang kasong illegal possession of drugs ay isinampa laban kina Diño sa Municipal Trial Court (MTC) ng Talisay, Batangas

Matapos silang kasuhan sa korte, ang tatlo ay inilipat sa Batangas Provincial Jail sa Batangas City, karaniwan lugar para sa detensyon matapos ang 17 na araw na sila ay sumailalim sa kustodiya ng militar.

KARAGDAGANG IMPORMASYON:

Sa ilalim ng patakaran 113, seksyon ng Revised Rules on Criminal Procedure, tanging ang tao na nagtatangkang gumagawa o gumawa ng krimen ang maaring arestuhin ng walang warrant. Ang taong inaresto sa ganitong sitwasyon ay maaring sumailalim sa inquest proceedings sa kondisyon na ang mga opisyal na nang aresto at taga-usig na nagsagawa ng inquest ay kayang patunayan ang pagkakaroon ng matibay na 'katanggap-tanggap na dahilan' upang magpatuloy sa pag uusig ng kaso.

Subalit, ang paraan ng pag aresto at kasunod na pagsasampa ng kaso sa ilalim ng inquest proceeding ay hindi nakamit ang rekisito ng umiiral na patakaran. Sa halip, ang tatlong biktima ay dinukot. Hindi maayos at sapat ang paraan ng pagpaalam ng katangian ng kaso na isinampa laban sa kanila at alegasyon, ebidensya na itinanim sa kanila para patunayan ang kasong isinampa sa korte. Sila ay dinala at nanatili sa kampo militar sa halip na sa karaniwan na detensyon na hinihiling ng batas sa kadahilanang sila ay panganib sa seguridad. Sa ganitong paraan, ang inquest proceedings na isinagawa sa kasong ito ay kwestionable din.

Sa kasong ito, ang militar ay epektibong inagawan ng awtoridad ng pulis para pangunahan ang pag aresto at pag iimbestiga ng krimen na ginawa sa ilalim ng batas ng bansa. Ang yunit ng militar na may pakana sa kasong ito ay ipinagsawalang bahala ang awtoridad ng pulis. Ang istasyon ng pulis na dapat ay may pangunahing hurisdiksyon sa lugar kung saan ang mga biktima ay dinukot, ang Talisay Police Office (TPO), ay hindi rin alam ang nasabing operasyon ng militar.

Ang proteksyon ng karapatan ng tao mula sa ilegal na pag-aresto at arbitraryong pagdetine ay malinaw na isinasaad sa Artikulo 3, Seksyon 1 ng 1987 Philippine Constitution. Ang Konstitusyon ay malinaw na nagsasaad na dapat "walang tao ang dapat pagkaitan ng buhay, kalayaan o ari-arian ng hindi dumadaan sa tamang proseso o ang sinuman ay tanggihan ng pantay na proteksyon ng batas".

Gayundin noong Nobyembre 2009, ang gobyerno ng Pilipinas ay nagpasa ng batas na Anti-Torture Act of 2009 na nag dedeklara na kriminal na opensa ang paggamit ng tortyur sa pagiimbestiga ng krimen. Sa ilalim ng batas na ito, ang ebidensya at testimonya na nakuha sa paraan ng pagtortyur ay hindi maaring gamitin sa mga proseso sa korte.

MUNGKAHING HABANG:
Maaring padalhan ng sulat ang mga kinauukulan sa ibaba upang hilingin ang kanilang tamang interbensyon.

Ang AHRC ay sumulat din ng liham sa Special Rapporteurs para sa tortyur at tagapagtanggol ng karapatang pantao.
 
HALIMBAWANG SULAT:

Mahal na ________,
 
Re: PILIPINAS: Tortyur at pagsasampa ng kwestionableng habla laban sa tatlong magsasakang organisador

Pangalan ng mga biktima:
1. Billy Batrina, 29 taong gulang, organisador ng Samahan ng Magbubukid ng Batangas (SAMBAT), lokal na grupo nhg magsasaka
2.Sonny Rogelio, 26 taong gulang, organisador para sa SAMBAT
3.Charity Diño, 29 taong gulang, organisador para sa SAMBAT
Lahat sila ay kasalukuyang nakakulong sa Batangas Provincial Jail sa Batangas City.
Lugar na Pinangyarihan: Marquez St., Zone 3, Talisay, Batangas
Petsa ng Pangyayari: dakong 8 ng umaga Nobyembre 23, 2009
Pinaghihinalaang may Kagagawan: Element ng 730th Combat group, Philippine Air Force (PAF) and the 301st Intelligence Group na nakabase sa Palico, Nasugbu, Batangas.
Estado ng Kaso: Ang kasong illegal possession of firearms and explosive ay nakabinbin sa Regional Trial Court (RTC), Branch 6, sa Tanauan, Batangas; at ang illegal posession of drugs

Sumulat ako para kunin ang inyong atensyon sa kasong ito kaugnay sa tatlong organisador, na isa sa mga ito ay babae na iligal na inaresto ng militar sa bayan ng Talisay, Batangas, tinortyur at hinainan ng kwestionableng kaso noong Nobyembre 23, 2009.

Ang tatlong organisador ay naglulunsad ng kanilang gawain sa komunidad sa Talisay, Batangas para imbatahin ang mga ito sa aktibidad na Linggo ng Maralitang Tagalunsod ng ang mga armadong kalalakihan, sakay ng tatlong magkakahwalay na van, suot ang plain clothes, ang humarang sa daan at kumuha sa kanila. Ang tatlo ay unang naiulat na dinukot ng mga hindi kilalang tao, subalit napag-alaman na ang mga kumuha sa kanila ay miyembro ng  730th Combat group of the Philippine Air Force (PAF) sa lugar.

Matapos kunin ng militar ang kustodiya ng tatlo, dinala sila sa kampo sa Palico, Batangas, kung saan sila ay tinortyur, sumailalim sa pagtatanong at nanatili ng 17 araw, bago ipinasa sa batangas Provincial Jail sa Batangas City kung saan sila ay kasalukuyang nakadetine

Sa unang araw nila sa kampo, sinaktan ng militar ang mga biktima na sina Batrina at Rogelio, sa pamamagitan ng pag umpog ng kanilang ulo sa pader habang ang isa pa nilang kasama na si Diño, ay pinisil ng mahigpit ang kanyang kamay habang nasa pagitan ng kanyang daliri ang mga bala ng baril. Ang mga militar na nag-imbestiga ay pinipilit  silang paaminin na sila ay miyembro ng rebeldeng grupo, ang New People’s Army (NPA). Nang sumunod na araw, Nobyembre 24, ang tatlo ay sumailalim sa inquest proceedings at ang opisina ng taga-usig sa Batangas kung saan sila sinampahan ng kasong illegal posession of firearms, explosives and drugs.
 
Ako ay lubhang nababala sa paraan ng pag aresto, detensyon at pagkatapos ay pagsasampa ng kaso labansa tatlong biktima.
 
Una,sa ilalim ng patakaran 113, seksyon ng 5 ng Revised Rules on Criminal Procedure, tanging ang tao na nagtatangkang gumagawa o gumawa ng krimen ang maaring arestuhin ng walang warrant. Ang taong inaresto sa ganitong sitwasyon ay maaring sumailalim sa inquest proceedings sa kondisyon na ang mga opisyal na nang aresto at taga-usig na nagsagawa ng inquest ay kayang patunayan ang pagkakaroon ng matibay na 'katanggap-tanggap na dahilan' upang magpatuloy sa pag uusig ng kaso.

Gayunpaman sa kasong ito, wala sa mga kondisyon na nakalatag sa patakaran ng warrantless arrest ang litaw na makakapagpatunay ng pag-aresto ng tatlo ng walang warrant. May mga alegasyon na ang ebidensya na nakuha mula sa mga biktima ay itinanim upang ituwid ang aresto at pagsasampa ng kaso. Wala sa mga biktima ang binigyan ng maayos na impormasyon sa kakatangian ng kasong nakalatag sa kanila.
Alam ko din na bago ang insidente, isa sa tatlong van ng militar na ginamit ay nauna ng nakitang paikot-ikot sa lugar,na nagpapakita na ang tatlo ay nasa ilalim ng surbeylans.

Pangalawa, alam ko ang parehong kwestionableng kaso na inihain sa mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao at pulitikal na aktibista sa nakaraan sa rehiyon. Ang Komisyon ng Karapatang Pantao sa Asya (AHRC) ay nakapagdokumento na ng mga kasong humigit-kumulang sa 72 na mga tagapagsusulong ng karapatang pantao at pulitikal na aktibista na hinainan ng gawa-gawang kaso sa tatlong magkakahiwalay na kaso. Ang mga kasong ito ay murder na may koneksyon sa ambush sa pulis sa Calapan City noong March 2006; Panununog at Pakikipagsabwatan upang gumawa ng rebelyon sa panununog ng cellsite sa Lemery, Batangas noong Agosto 2008; at murder para sa pagpatay sa isang sibilyang inarmasan sa probinsya ng Rodriguez, Rizal noong July 2008, ay ibinasura na ng korte.

Lubha akong nababahala na ang aresto at pagsasampa ng kaso laban sa tatlong organisador at kasunod ay pagsasampa ng kaso laban sa tatlong organisador ay isa na namang bunga ng pagnanais na sirain ang legal na proseso upang ihabla ang mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao at pulitikal na aktibista. Samakatuwid mariin kong sinasabi sa inyo na tiyakin na ang alegasyon sa mga biktima ng tortyur at ang pagsasampa ng kwestionableng kaso laban sa kanila ay ma-imbestigahang mabuti. Ang habla ay dapat ipawalang saysay ng walang pagkabalam kung walang sapat na ebidensiya na magpatuloy sa paglilitis sa kaso.
 
Ang gobyerno ng Pilipinas ay nagpasa na ng batas na Anti-Torture ng 2009, batas na nagsasa kremin sa paggamit ng tortyur sa imbistigayon. Sa ilalim ng batas na ito, ang ebidensya at testimonya na kinuha sa pamamagitan ng tortyur ay hindi maaring tanggapin sa korte. Sa ganitong paraan, anumang ebidensya na ginamit at isinumite sa korte laban sa tatlong biktima ay hindi dapat tanggapin sa korte at ang kanilang alegasyon na tortyur laban sa mga militar ay dapat maimbestigahan.

 
Lubos na Gumagalang,

--------------------
IPADALA ANG INYONG MGA LIHAM KINA:

1. Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo
President
Republic of the Philippines
Malacanang Palace
JP Laurel Street, San Miguel
Manila 1005
PHILIPPINES
Fax: +63 2 736 1010
Tel: +63 2 735 6201 / 564 1451 to 80

2. Ms. Leila De Lima
Commissioner
Commission on Human Rights
SAAC Bldg., Commonwealth Avenue
U.P. Complex, Diliman
Quezon City
PHILIPPINES
Fax: +63 2 929 0102
Tel: +63 2 928 5655 / 926 6188
E-mail: mtm_rodulfo@yahoo.com

3. Deputy Director General Jesus A. Verzosa
Chief, Philippine National Police (PNP)
Camp General Rafael Crame
Quezon City
PHILIPPINES
Fax: +63 2724 8763
Tel: +63 2 726 4361/4366/8763
E-mail: ruth_cossid@yahoo.com

4. Ms. Agnes Devanadera
Secretary
Department of Justice (DoJ)
DOJ Bldg., Padre Faura
1004 Manila
PHILIPPINES
Fax: +63 2 521 1614
E-mail: raulgonzalez_doj@yahoo.com

5. Mr. Emilio Gonzalez
Deputy Ombudsman
Office of the Deputy Ombudsman for the Military
and Other Law Enforcement Offices
3rd Floor, Ombudsman Bldg., Agham Road, Diliman
1104 Quezon City
PHILIPPINES
Fax: +63 2 926 8747
Tel: +63 2 926 9032

6. Lieutenant General Victor S. Ibrado
Chief of Staff
Armed Forces of the Philippines (AFP)
AFP-GHQ Offices, Camp Gen. Emilio Aguinaldo
Quezon City
PHILIPPINES
Fax: +63 2 911 6436
Tel: +63 2 911 6001 to 50

Maraming Salamat.

Programa ng Kagyat na Apeal
Komisyon ng Karapatang Pantao sa Asya (ua@ahrc.asia)


Document Type :
Urgent Appeal Case
Document ID :
AHRC-UAC-005-2010-TL
Countries :
Document Actions
Share |
Subscribe to our Mailing List
Follow AHRC
Extended Introduction: Urgent Appeals, theory and practice

A need for dialogue

Many people across Asia are frustrated by the widespread lack of respect for human rights in their countries.  Some may be unhappy about the limitations on the freedom of expression or restrictions on privacy, while some are affected by police brutality and military killings.  Many others are frustrated with the absence of rights on labour issues, the environment, gender and the like. 

Yet the expression of this frustration tends to stay firmly in the private sphere.  People complain among friends and family and within their social circles, but often on a low profile basis. This kind of public discourse is not usually an effective measure of the situation in a country because it is so hard to monitor. 

Though the media may cover the issues in a broad manner they rarely broadcast the private fears and anxieties of the average person.  And along with censorship – a common blight in Asia – there is also often a conscious attempt in the media to reflect a positive or at least sober mood at home, where expressions of domestic malcontent are discouraged as unfashionably unpatriotic. Talking about issues like torture is rarely encouraged in the public realm.

There may also be unwritten, possibly unconscious social taboos that stop the public reflection of private grievances.  Where authoritarian control is tight, sophisticated strategies are put into play by equally sophisticated media practices to keep complaints out of the public space, sometimes very subtly.  In other places an inner consensus is influenced by the privileged section of a society, which can control social expression of those less fortunate.  Moral and ethical qualms can also be an obstacle.

In this way, causes for complaint go unaddressed, un-discussed and unresolved and oppression in its many forms, self perpetuates.  For any action to arise out of private frustration, people need ways to get these issues into the public sphere.

Changing society

In the past bridging this gap was a formidable task; it relied on channels of public expression that required money and were therefore controlled by investors.  Printing presses were expensive, which blocked the gate to expression to anyone without money.  Except in times of revolution the media in Asia has tended to serve the well-off and sideline or misrepresent the poor.

Still, thanks to the IT revolution it is now possible to communicate with large audiences at little cost.  In this situation there is a real avenue for taking issues from private to public, regardless of the class or caste of the individual.

Practical action

The AHRC Urgent Appeals system was created to give a voice to those affected by human rights violations, and by doing so, to create a network of support and open avenues for action.  If X’s freedom of expression is denied, if Y is tortured by someone in power or if Z finds his or her labour rights abused, the incident can be swiftly and effectively broadcast and dealt with. The resulting solidarity can lead to action, resolution and change. And as more people understand their rights and follow suit, as the human rights consciousness grows, change happens faster. The Internet has become one of the human rights community’s most powerful tools.   

At the core of the Urgent Appeals Program is the recording of human rights violations at a grass roots level with objectivity, sympathy and competence. Our information is firstly gathered on the ground, close to the victim of the violation, and is then broadcast by a team of advocates, who can apply decades of experience in the field and a working knowledge of the international human rights arena. The flow of information – due to domestic restrictions – often goes from the source and out to the international community via our program, which then builds a pressure for action that steadily makes its way back to the source through his or her own government.   However these cases in bulk create a narrative – and this is most important aspect of our program. As noted by Sri Lankan human rights lawyer and director of the Asian Human Rights Commission, Basil Fernando:

"The urgent appeal introduces narrative as the driving force for social change. This idea was well expressed in the film Amistad, regarding the issue of slavery. The old man in the film, former president and lawyer, states that to resolve this historical problem it is very essential to know the narrative of the people. It was on this basis that a court case is conducted later. The AHRC establishes the narrative of human rights violations through the urgent appeals. If the narrative is right, the organisation will be doing all right."

Patterns start to emerge as violations are documented across the continent, allowing us to take a more authoritative, systemic response, and to pinpoint the systems within each country that are breaking down. This way we are able to discover and explain why and how violations take place, and how they can most effectively be addressed. On this path, larger audiences have opened up to us and become involved: international NGOs and think tanks, national human rights commissions and United Nations bodies.  The program and its coordinators have become a well-used tool for the international media and for human rights education programs. All this helps pave the way for radical reforms to improve, protect and to promote human rights in the region.